Konsepto ng Sustainable Development Goals; 2, 12, 13
- ap9bmhblog2
- Nov 6, 2020
- 4 min read
Updated: Nov 14, 2020
Konsepto ng Sustainable Development Goals
SDG 2
Ang gutom ay isang malaking suliranin ng buong mundo. Ito ay nagbibigay ng problema sa mga bansa kung saan ay nagkakaroon ng matataas na death rates. 790 milyon na mga mamamayan ay nagkakaroon ng kakulangan sa pagkain. Naaapektuhan nito ang pangkalahatang kalusugan at ang buong katauhan ng isang indibidwal. Ito ang layunin ng “Sustainable Development Goals 2”, Ang pagkakaroon ng matatag na suplay ng masustansyang pagkain, matibay na agrikultura, at kooperasyon ng local at global sa produksyon ng mga agrikulturang produkto o dami ng produktong magagawa sa agrikultura.
Ang pagkakaroon ng food security ay ang ating pangunahing solusyon sa gutom. Ang pagtaas sa bilang ng produkto sa lumalaking populasyon ng mundo ay kailangan. Ayon sa World Food Summit noong 1996, maituturing tayo na Food Secure kapag tayong lahat sa anumang oras ay may karaniwang pisikal at ekonomikal na access sa mga sapat, ligtas at masustansyang pagkain na ating kinakailangan.
Ang pagkakaroon ng Nutrisyon sa ating pagkain ay isang malaking layunin din ng SDG 2. Ayon sa World Health mayroon tayong 790 milyong mamamayan na walang regular na access sa masustansyang pagkain. Ang Nutrition ay tumutulong sa ating pangkalahatang paglaki (development) at upang makamit din natin ang ating buong potensyal bilang isang indibidwal.
Isa sa mga paraan na dapat nating gawin upang makamit ang tagumpay laban sa gutom ay ang pagkakaroon ng sapat at mahusay na diskarte at pamamaraan sa pagtatanim.
Ito ang ating mga kilos na maaaring gawin upang magtagumpay ang SDG 2. Ang konseptong “Making every penny count”, ang pagsali sa mga pangyayari sa mga lokal na “garden farming” , ang boluntaryong pagsali sa mga kampanya (advocacy campaign), ang pagpapabuti sa kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paglulunsad ng pantay na access sa lupa, teknolohiya at merkado. Kinakailangan din nito ng mas mataas na pamumuhunan sa pamamagitan ng kooperasyong internasyonal upang mapalakas ang produktibong kakayahan ng agrikultura sa mga umuunlad na bansa.
SDG 12
Bawat taon, tinatayang isang-katlo ng lahat ng pagkaing ginawa - katumbas ng 1.3 bilyon na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na S1 trilyon na nabubulok sa mga basurahan ng mga konsumo at nagtitinda.
Ayon sa SDG 12, Kung ang mga tao sa buong mundo ay lumipat sa mga bombilya na mahusay ng enerhiya sa mundo ay tayo ay makakatipid ng 120 bilyon taun taon. Kung ang populasyon ng pandaigdigang umabot sa 9.6 bilyon sa pamamagitan ng 2050 ,ang katumbas ng halos tatlong mga planeta ay maaring kailanganin upang maibigay ang likas na yaman na kinakailangan upang mapanatili ang kasalukuyang pamumuhay.
Ang layunin nito ay upang mabawasan ang dami ng global na basura ng pagkain. Sa bawat kalahati ay para sa mga indibidwal at negosyo, upang mabawasan ang henerasyon ng basura sa pamamagitan ng pagbabawas, muling paggamit at recycling.
Bakit natin ito dapat pagtuonan ng atensiyon? Dahil ang mga kumpanya ay kailangang maging responsable para sa kanilang mga nakaugalian, paggamit ng lupa, pagkasuklam, at dahil dapat natin bawasan ang pag-aksaya ng pagkain.
Ang maari nating gawin upang tumulong ay bawasan ang ating basura, pwede ring mag shop smart upang iyong malaman kung ang iyong pagkain at mga produkto ng damit ay ginawang etika maari din ito sa mga alahas, itaas ang iyong tinig, ang negosyo at pamahalaan ay may kapangyarihan na makagawa ng malaking pagbabago.
Ang pagkamit ng paglago ng ekonomiya at napapanatiling pag-unlad ay nangangailangan na mapilit nating bawasan ang ating ekolohikal na yapak sa pamamagitan ng pagbabago ng paraan ng paggawa at pagkonsumo ng mga kalakal at mapagkukunan.
Ang mabisang pamamahala ng aming ibinahaging likas na yaman, at ang paraan ng pagtatapon namin ng nakakalason na basura at mga pollutant, ay mahalagang target upang makamit ang layuning ito.
SDG 13
Ang pandaigdigang klima o global climate ay konektado sa lahat ng uri ng nilalang sa mundo. Mula sa mga hayop, kapaligiran, at hanggang sa mga tao, ito ay may malaking papel sa ating buhay. Mahalagang bigyang atensyon ang isyung ito dahil patuloy itong lumalala. Ayon sa mga siyentista, noong ika-19th century nagsimulang gumawa ng mga aktibidad ang mga tao na naka pag-impluwensiya sa pagbabago ng klima, at noong 2019 naman ang ikalawang napakamainit na taon na naitala sa dekada. Dapat patigilin ang global issue na ito dahil ang masama ang epekto nito hindi lang sa ating mga tao kundi pati na rin sa mga kalikasan. Ang patuloy na pagtataas ng klima ay maaaring magdulot ng mapanirang epekto at maaaring agarang kakailanganin ang mas maraming aksyon sa mga emission ng greenhouse gas. Tayong mga tao ay ang pinaka importanteng instrument upang patigilin o pababain ito.
Ang layunin ay siguraduhin ang mga tao, lalo na ang may mahinang populasyon. Sila ay maayos na inihanda para sa mga panganib na may kaugnayan sa climate change at kalamidad na dulot ng kalikasan. Masosolusyonan ang issue ng climate change sa pamamagitan ng aksyon ng gobyerno na paglalaan ng yaman upang pagbutihin ang edukasyon, kamalayan, at kapasidad sa pagharap sa climate change.
Mahalaga ang isyung ito dahil hindi lang ito isyu sa kapaligiran kundi ito ay kaugnay sa epekto ng pagkawala ng agrikulturang lupa dahil sa tagtuyo. Ang tubig ay patuloy na naging mahirap makuha, at naging mas matindi ang polusyon. Naglalakbay ito sa pamamagitan ng ating mga ecosystem at sa ibat ibang hangganan.
Upang magawa natin ito, dapat alagaan natin ang ating kapaligiran sa pamamaraan ng:
- Bawasan ang pagsunog ng mga nakakasamang bagay kagaya ng plastic
- Mag tanim ng mas maraming puno at halaman
- Bawasan ang paggamit ng mga behikulong bumubuga ng masamang usok
- Bawasan ang water waste
- Gumamit ng mga energy-efficient appliances
Marami pang ibang magagawa tulad ng pagpapalit nang iyong mga paraan ng pamumuhay at maging mas mahusay sa paggamit ng enerhiya. Dapat tayong matutong mag tipid ng kuryente upang hindi ito masayang. Ugaliin din natin na magtanim ng mga halaman at punong kahoy upang magkaroon tayo ng preskong hangin. Iwasan din natin ang paggamit ng mga pabrika dahil ito ay nagdudulot ng mga usok na nakakasira sa ating kapaligiran, at gumawa ng adbokasiya at awareness campaign upang magkaroon ng kaalaman at aksyon ang mga mamamayan sa polusyon.
Bilang isang tao at indibidwal na naninirahan sa mundong ito, dapat tayo ay maging responsable sa ating mga kilos at siguraduhin na hindi ito nakakasama sa atin, sa ibang tao, at sa kapaligiran.
Concept Creators:
Elopre, Dwyane Ikena
Mondelo, Claire Faith
Merencillo, Mark Ray
Concept Editors, Analysis, and Encoders:
Bahalla, Nimfa Anna
Corona, Rai Jan Nicholai
Datoy, Sofia
Besa, Sui Jae
Comments