top of page

Kabataan, Pag-asa ng Bayan Blog 8

Updated: Nov 29, 2020

Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, ayon kay Jose Rizal ngunit kung ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, bakit kaya karamihan sa kanila ay tamad, sakim, at mga palaging nagsisinungaling. Sila po ba yung maglulutas sa mararaming problema at mga suliranin ng ating mundo? o sila ba ang magpapalala nito?


Sa campaign na ito, kami ay naniniwala na lahat ng kabataan ay may kakahayang mag bago at maging mas mapakapaniwaalang tagapangalaga ng kinabukasan.


Ilan sa mga asal na dapat nating baguhin bilang kabataan ay:

  1. Kawalan ng pagnanasang makapag-aral

  2. Hindi magandang gawi sa kalusugan (nagpapalipas ng gutom, pagpupuyat)

  3. Pagkakaroon ng masasamang bisyo (paglalasing, pagsisigarilyo)

  4. Pagiging walang katuturan sa kalinisan at sa kalikasan.

  5. Hindi paggalang sa matatanda o mga magulang.

Ang mga ito ay maaring masolusyonan sa pamamagitan ng:

  1. Maglaan ng oras sa paglalaro at pag-aaral.

  2. Maging maingat sa sarili at kalusugan (kumain ng maayos, matulog ng maaga, etc.)

  3. Unti-unting tigilan at iwasan

  4. Maglaan ng oras upang maglinis sa bahay.

  5. Ating isaisip na ang ating mga magulang ay araw’t gabi nagpapawis upang mabigyan ka ng magandang buhay. Pahalagahan natin sila sapagkat di natin alam kung kailan sila aalis.






Ayon kay Dannee McGuire, isang One Youth Ambassador, ang mga kabataan ay hindi lamang mga taga simuno ng kinabukasan kundi nagdadala din sila ng mga pangunahing pagpapabuti sa mundo sa kanilang paligid, ngayon din. Sa pamamagitan man ng social media o pagiging aktibo ng 'hashtag', pagsusulat sa online o sa kanilang papel tungkol sa isang dahilan, o pakikilahok sa isang rally, maraming paraan na ang mga kabataan ay maaaring maging pagbabago 'at gumawa ng pagkakaiba sa mundo.


Maraming paraan para tayong mga kabataan ay makatulong:


1.Magboluntaryo sa mga kaganapang pangkalikasan at pangkalusugan- Sumali ng mga gawaing tree planting, river/coastal cleanup, feeding program, webinars, etc. Ilan sa mga kaganapang pangkalikasan at pangkalusugan kung saan ay pwede tayong sumali.



2. Gumamit ng mga online platform upang maabot at makatulong sa iba-

Sa panahon ng teknolohiya, ang ating mga magagawa ay mas lumawak. Sa gayon man ay pwede itong magagamit ng mga kabataan upang tumulong o makaabot sa iba. Tulad sa Pilipinas na nasalanta ng dalawang malalakas na bagyo o mga super typhoons, maaari tayong tumulong sa pamamagitan ng reposting o pagsasalii sa mga #HelpLuzon na mga kaganapan sa social media.



3. Sundin ang mga alituntunin ng World Health Organization-

Sa panahon ng pandemya, importanteng maging ligtas, malusog at may kaalaman sapagkat ang lasong ito o virus ay nakakamatay. Isa sa mga alintuntunin nila ay ang madalas na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa mga lugar na maraming tao, ang pagsuot ng facemask at ang social distancing.



4.Donate o Pamimigay -Ang pag do donate ay isang gawain na makatulong sa mga taong nangangaylangan. Isa din ito sa paraan upang mapasaya ang ibang tao. Paano ba tayo mag donate? Una kunin ang mga gamit na i do donate mo. Pwede mo ring i donate yung mga pinag lumaan na gamit, pwede pa yan ma pakinabangan ng iba. Pangalawa, Siguraduhing ligtas ang mga i do donate mo. Pangatlo, hanapin ang pinakamalapit na mayroong donation program, maaring Red Cross o mga lokal na donation drive o donation stations. Sa gayon man ay maaaring masolusyonan nito ang mga taong nagugutom at nagkukulang sa mga kagamitan.


5.Paggamit sa iyong Pagkamalikhain o Talento - Ating mga talento ay isa sa mga pinakaimportanteng sandatahan na ating magagamit sa pagtuklas ng mas magandang kinabukasan. Tulad ng filmmaking, photography, song writing, pagkanta, pagsasayaw, etc. Halos anumang bagay ay maaaring gawing isang proyekto para sa ikabubuti. Maaari din itong maitulong sa mga mamamayan na nasalanta sa bagyo kung saan ngayon ay nagugutom, maaari tayong gumamit sa ating mga talento upang makagawa ng fund raiser para sa kanila.


6.Sundin ang iyong mga pangarap, maging pundasyon para sa hinaharap - Maniwala sa iyong sarili, sundin mo ang iyong gusto, sundin mo kung ano ang nasa iyong puso dahil ang mga mapangarap na mga kabataan ay ang susi sa pagtuklas ng mas maganda at mas maunlad na mundo.



Mag sama-sama tayong magplano para sa ating kinabukasan.

Ang mga kabataan ay may kanya kanyang kalayaan upang maipahayag nila ang kanilang mga ideya at saloobin, magagawa ang mga nais gawin na walang nagdidikta. Ngunit kailangan ding isaalang-alang ang kalayaan base sa tama at mali.



"The poor shall rise to reach the rich"

-Anthony Reyes

"The land shall expand from the old burdens above"

-Anthony Reyes

“New doors shall open for the doors that are close”

-Anthony Reyes





Sites:


Credits:

Writers:

Rai Jan Nicholai Corona

Riva Cericos Sentillas

Suji Jae Besa

Jealanie Bayocboc


Photographers:

Nimfa Bahalla

Ruark Gabryll Relampagos Rea Cassandra Pring Rhanzjoe Bulawin

Mark Ray Merenciilo

Video Editors: Noel Valmores Balite

Sofia Franceska Sophia Malanog

Collage/ Quotes Makers:

Anthony Reyes

Carla Oblena


 
 
 

Recent Posts

See All
Paano Magtipid ng Kuryente

Riva Sentillas Sa isang buwan, ang bayarin ng kuryente namin ay nasa 7k-13k pesos. Mag dedepende din yan kung palagi bang naka onn yung...

 
 
 
Support Local

Ang support local ay ang pagsuporta sa mga lokal na mga produkto ng ating bansa. Nangangahulugang ito na nagmamalasakit tayo sa...

 
 
 

Comentarios


Post: Blog2_Post
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2020 by Lifestyle Blog 9 BMH Group B. Proudly created with Wix.com

bottom of page