Paano Magtipid ng Kuryente
- ap9bmhblog2
- Nov 21, 2020
- 2 min read
Riva Sentillas
Sa isang buwan, ang bayarin ng kuryente namin ay nasa 7k-13k pesos. Mag dedepende din yan kung palagi bang naka onn yung mga aircon kahit wala namang tao na nasa loob ng kwarto. Nakipag usap ako sa aking pamilya kung paano maka tipid sa kuryente.
Una, patayin ang mga electric fan at yung aircon kapag walang tao. Patayin ang mga ilaw sa kwarto kung walang tao. Madali lng nmn ito gawin. Maganda ang mga epekto kapag ikaw ay di nag aksaya ng kuryente. Ano nga ba ang mga epektong yon?
Ang magandang epekto nito ay, bababa ang aming bayarin sa kuryente kaya sakto na din sa budget, sa halagang 13k nuon, 7k-9k nalang ngayon. Natuto din kami sa madaling oras kung paano mag save ng kuryente para hindi tataas.
Ano ba ang nga hindi magandang epekto kapag ikaw ay nag aksaya ng kuryente? Isa lng sagot dun. Tataas yung bayarin sa kuryente at hindi na sakto sa budget ng pamilya, kaya mas mabuting di tayo mag aaksaya ng kuryente.
Rhanzjoe Bulawin
Sa loob isang buwan, ang kurente ng pamilya ko ay aabot mula sa 10-12 thousand pesos. Sa isang linggong kuryente, bababa mula sa 3-2k pesos. Kaya ng tustusan ang aming mga pangangailangan. Kasali na rin sa budget ang mga simpleng gusto kagaya ng mga pagkain na hindi naman gaano nakakabusog.
Alam nating lahat na ang pag-patay ng mga ilaw at pagbili ng mga gamit na walang kuryente ay nakakaapekto sa aming pang-pinansyal.
Ngayon, ayon sa isang bagong pag-aaral ng mga mananaliksik ng University of Wisconsin-Madison, alam namin na ang pag-save ng enerhiya ay nakakatipid din ng buhay at mas maraming pera para sa mga mamimili sa pamamagitan ng pagpapagaan ng mga gastos ng masamang epekto sa kalusugan na maiugnay sa polusyon sa hangin.
Ano ba nga hindi maganda epekto kapag ikaw ay nag aksaya ng kuryente? Isa lang ang sagot tataas yung bayarin sa kuryente at hindi pa sakto ang budget ng pamilya,kaya mas mabuting ditayo mag aaksaya ng kuryente.
Jealanie Bayocboc
Bawat pamilya sa atin ay may kontribusyon sa tahanan, sa pamamagitan ng pagbawas ng gastusin sa kuryente. Ano ang mga paraan upang hindi lumaganap ang global warming sa buong komunidad?
1.) Bawasan ang mga appliances na ginagamit.
2.) Limitahan ang oras sa paggamit ng mga appliances.
3.) Gumamit ng mga appliances na akma sa inyong mga pangangailangan.
4.) Maghanap ng alternatibong paraan na hindi gagamit ng kuryente.
5.) Gumamit ng mga appliances na may mataas na efficiency rating.
6.) Limitahan ang paggamit ng telebisyon at computer.
7.) Bunutin sa saksak ang mga charger ng gadgets, kung fully charge na ang mga ito
8.) Huwag pabayaan ang standby mode ang mga appliances dahil ang mga ito ay
kumukonsumo din ng karagdagang kuryente.
Ang mga ito ay ang mga paraan sa pagbabawas ng gastusin sa kuryente, Isa sa mga palatuntunin na ito ay ginagamit din sa kasalukuyan nang aming tahanan. At dahil dito natuto kami sa aming pamilya kung paano magtipid ng kuryente.
Kommentare