top of page

3R's para sa Kinabukasan

Ano ang 3 Rs? Ang 3 Rs (reduce, reuse, recycle) ay isang estratehiyang ginagamit upang mabawasan ang mga basura. Ginagamit ito bilang isang paraan upang pangangalagaan ang mga likas na yaman, landfill space and energy. Nakakatulong din ito sa pagtitipid.



Ang Reuse ay isang paraan ng paggamit muli ng isang bagay. Magagamit ito sa bahay sa maraming pamamaraan, halimbawa:

* Ayusin muli at wag itapon agad ang mga sirang gamit sa bahay kagaya ng mga lamesa, upuan, at iba pa.

* Gamitin sa ibang bagay ang mga kagamitan kagaya ng mga jam jar, pwede itong gamitin bilang isang pencil holder.

* Ipapamigay ang mga lumang damit sa mga orphanage.

Mahalaga ito dahil ito ay isang mahusay na alternatibo sa iba pang waste management methods. Nakakabawas din ito ng polusyon sa lupa, tubig, at hangin. Ito rin ay makapaglimita sa pangangailangan ng mga bagong likas na yaman na gagamitin sa paggawa ng mga bagong produkto. Ito ay nakakatulong sa atin sa maraming paraan. Mula dito, natututo tayong magtipid ng mga kagamitan at hindi sayangin ang mga ito. Malalaman natin ang kahalagahan ng isang kagamitan at bigyan importansya ang mga bagay kahit gaano man ito kaliit.



Ang Recycle ay isang proseso ng pag-convert ng mga basurang materyales sa mga bagong materyales at bagay. Maaari nating mailapat ang pamamaraang ito sa ating mga tahanan sa pamamagitan ng pag-iwas sa pag-aaksaya ng mga potensyal na kapaki-pakinabang na materyales at bawasan ang paggastos ng pera sa pagbili ng mga bagong materyales. Ang pag-recycle ay mahalaga dahil ang basura ay may malaking negatibong epekto sa natural na kapaligiran, para ito'y maiwasan dapat matuto tayo hindi lang sa pag-recycle, kundi kasali narin ang pag-reduce at pag-reuse. Ang nakakapinsalang mga kemikal at greenhouse gases ay resulta mula sa basura sa mga landfill site. Ang pag-recycle ay tumutulong sa pagbawas ng polusyon na sanhi ng basura. Ang pagkasira ng tirahan at pag-init ng mundo ay ilan sa mga nakakaapekto na sanhi ng pagkalbo ng kagubatan. Ang pag-recycle ay nakakatulong upang bawasan ang pangangailangan ng mga materyales na galing sa likas na yaman upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.




Ang Reduce ay ang pagbabawas sa mga basurang ginagawa natin, maaari itong ilapat sa bahay kapag bumili ka ng mga produktong nangangailangan ng mas kaunting packaging o upang malimitahan ang basurang, ibigay ang iyong mga bagay sa isang tao na nangangailangan kaysa sa itapon ito na magreresulta sa isang landfill. Napakahalaga nito, at ito rin ang unang gawain sa 3 Rs. Importante ito dahil nakakatulong ito upang mabawasan at babaan ang paggamit ng isang bagay na kalaunan ay magiging basura lamang sa paglaon tulad ng plastic bag at ilang packaging, sa pamamagitan ng pagbawas ng iyong basura makakatulong ka sa iba pa hindi lamang sa iba pang mga tao kundi pati na rin ang iyong sarili sa pamamahala ng iyong puwang at kalusugan.


Sub group Members: (Writers, Researchers, Editors)

Sui Jae Besa

Keah Monique Evardo

Darren Joseph Jumawid

 
 
 

Recent Posts

See All
Paano Magtipid ng Kuryente

Riva Sentillas Sa isang buwan, ang bayarin ng kuryente namin ay nasa 7k-13k pesos. Mag dedepende din yan kung palagi bang naka onn yung...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2020 by Lifestyle Blog 9 BMH Group B. Proudly created with Wix.com

bottom of page