top of page

Bawat Piraso ng Kanin ay Mahalaga

Ang pag aaksaya ng pagkain o food waste ay mga pagkaing akma sa human consumption na kung saan ay tinatapon o nasasayang lamang. Ito ay isang malaking suliranin na hinaharap ng buong mundo, Katulad ng Sahara Africa na kung saan ay mayroong 83 na porsyento ay nabubulok sa habang nasa paggawa o production. Kung iyong titingnan parang walang epekto ang pagtatapon at ang pag-aaksaya ng pagkain, ngunit dahil sa ating kamangmangan ay unti-unting nasisira ang ating kapaligiran at Kalikasan.


Ayon sa Reset, A Digital For Good, 1.3 bilyong pagkain ay nasasayang at tinatapon sa isang buong taon at dahil dito, tayo ay nagkakaroon ng food waste dahil sa dalawang pangunahing suliranin, ang sobrang pagluluto ng mga pagkain at maraming tao din ang di marunong gumamit ng leftovers kung saan ang mga pagkain ay nabubulok lamang.


May mga sari-saring paraan upang maiwasan ang pag aaksaya ng mga pagkain, isa na dito ang pag-iwas sa sobrang pamimili ng mga pagkain, pagbili lamang ng pagkain na kinakailangan sa pansamantala, ang pagiging conservative, maparaan at planado kapag magluluto at ang paggamit sa freezer upang maiwasan ang pagkasira at pagka bulok ng mga pagkain.


Hindi man natin maiiwasan na ang magiging matakaw sa pangangailangan, lalo na sa pagkain ngunit sana ito ay mailagay sa tamang panahon o oras, lalo na ngayong panahon. Ang pagiging responsable sa ating mga aksyon at pangangailangan ay isang hakbang sa isang magandang kinabukasan.


Group 4:

Sophia Angel Malanog

Francriz Dormentes

Ruark Gabryll Relampagos


Video Editors:

Sophia Angel Malanog


Interviewed Family Members:

Filidelpa Malanog - Sophia Angel Malanog

Beatriz Dormentes - Francriz Dormentes

Ferdi Relampagos - Ruark Gabryll Relampagos


Article Writers:

Sophia Angel Malanog

Rai Jan Nicholai Corona







 
 
 

Recent Posts

See All
Paano Magtipid ng Kuryente

Riva Sentillas Sa isang buwan, ang bayarin ng kuryente namin ay nasa 7k-13k pesos. Mag dedepende din yan kung palagi bang naka onn yung...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2020 by Lifestyle Blog 9 BMH Group B. Proudly created with Wix.com

bottom of page