top of page

Support Local

Ang support local ay ang pagsuporta sa mga lokal na mga produkto ng ating bansa. Nangangahulugang ito na nagmamalasakit tayo sa komunidad na ating kinabibilangan. Dito sa Pilipinas marami ng mga Pilipino na mas pinipiling tumangkilik sa mga produktong galing sa ibang kaysa sa atin. Ito ay isa sa mga ugat ng problema na dahil dito posibleng magiging dahilan kung bakit patuloy na babagsak ang ating ekonomiya.

Ang isang bagay na nais naming iparating na sana maibalik muli ang polisiya na ipinatupad ni pangulong Garcia na, “Filipino first policy”; na sa pamamagitan nito masusuportahan ang mga lokal na produkto. Ibig sabihin nito ay dapat bigyan pansin ang mga Pilipinong lumilikha ng iba't ibang produkto. Kasama na rito ang mga maliliit na mga negosyante maging ang mga magsasaka, at ang mga lumilikha ng mga iba't ibang mga bagay na nakakatulong sa komunidad. Tulad halimbawa ngayon tayo ay nahaharap sa pandemya ng Covid-19 na kung saan may mga kagamitan na maaaring malikha ng mga maliliit na negosyante. Bakit hindi natin suportahan na mula sa mga Pilipino na palikhain ng facemask, face shield, at PPE nang sa ganun ay mas mapakikinabangan ang mga Pilipino at magbibigay pa ito ng oportunidad na kumita at umasenso sa buhay.

Maraming benepisyo ang makukuha natin kapag sinuportaan natin ang mga likhang lokal . Isa sa mga benepisyo nito ay magkakaroon ng mga trabaho ang mga Pilipino at magbibigay daan sa pagtaas ng kalidad ng produkto ng ating bansa. Ito ay magiging daan rin upang masuportahan ang mga pangarap ng mga maliliit na manlilikha ng ibat ibang klase o uri ng imbensyon o mga bagong produkto.

Matapos namin interbyuhin ang mga tindera napagtanto namin na marami sa mga Pilipino local food producers ang naghihirap dulot ng pandemya. Matutulungan natin sila sa pamamagitan ng pagsuporta o pagbili ng kanilang mga produkto. Matutulungan din natin sila sa pagmamagitan ng paghikayat sa mga Pilipino na bilhin ang mga produktong lokal kaysa imported.

Nais naming paalalahanan ang lahat ng Pilipino na kailangan na natin matutong tumangkilik sa ating sariling produkdo. Alalahanin din natin na marami ng Pilipino ang naghihirap at nawalan ng trabaho. Kung patuloy pa nating tatangkilikin ang mga produktong imported may posibilidad na mawawala na ang mga likhang local.


Check out our video while interviewing local sellers or vendors:


Sub Group 5:

Nimfa Anna A. Bahalla

Carla Oblena

Noel Balite


Video Editors:

Nimfa Anna A. Bahalla


Interviewed local food producer:

Benidicta Balagot, Lilet Andresa Budiongan - Nimfa Bahalla

Delia Basadre, Roger Delia - Noel Balite


Article Writers:

Nimfa Anna A. Bahalla



 
 
 

Recent Posts

See All
Paano Magtipid ng Kuryente

Riva Sentillas Sa isang buwan, ang bayarin ng kuryente namin ay nasa 7k-13k pesos. Mag dedepende din yan kung palagi bang naka onn yung...

 
 
 

Commentaires


Post: Blog2_Post
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2020 by Lifestyle Blog 9 BMH Group B. Proudly created with Wix.com

bottom of page