Pahalagahan Natin ang Ating Tahanan
- ap9bmhblog2
- Nov 14, 2020
- 2 min read
Napagtanto mo na ba na kahit saan ka magpunta, palagi kang nakakakita ng plastik? Mula sa pagbubukas ng nakabalot na kape hanggang sa paggamit ng mga plastik na bote at iba pang mga kagamitan. Naisip mo na ba kung ano ang mga epekto ng plastik?
Ang plastic pollution ay ang epekto ng ating kamangmangan ito ay sa sobrang paggamit ng plastik at ang pagtapon ng mga ito kahit saan. Naapektuhan nito ang ating mga kalupaan, mga kahayupan, mga likas na yaman at ang ating kalusugan.
Ayon sa Giving Compass ™, Mula noong 1950s, halos 8.3 bilyong ton na plastik ang na likha ng buong mundo. Dahil dito 73% na mga basura sa ating karagatan ay nagmumula sa plastik na hanggang ngayon ay pumapatay na aabot na ng 1.1 milyong mga seabirds at mga kahayupan sa isang buong taon.
Sa nakaraang 50 taon, ang produksyon ng plastik sa mundo ay dumoble na dahil dito ang mga pinsala sa ating kalikasan at kapaligiran ay dumoble rin.
Upang masolusyunan ang suliraning ito at mabawasan ang plastic pollution ay hinihimok tayong lahat na sundin ang konseptong “recycling” ito ay upang tayo ay makatulong sa pagbawas sa plastic production. Kung tayo ay sumusunod sa konseptong recycle ay makakalikha din tayo ng mga panibagong kagamitan na kung saan sa pamamagitan nito makakatulong tayo na ma preserba ang mga likas na yaman, enerhiya, pera, at iba pa.
Ang paggamit ng Eco bag ay isa din sa ating pwedeng maitulong upang maiwasan ang paglala sa plastic pollution.
Ang Eco bag ay isang reusable o pwedeng magamit muli. Ito ay tinatawag na bag-for-life o bag-habang-
buhay. Ang layunin ng eco bag ay upang mabawasan ang paggamit ng plastic at mas mabigyan ang mga mamimili ng mas komportableng bag dahil sa materyal na cotton na ginagamit sa paggawa nito.
80% sa mga plastik na basura ay mula sa boteng plastik at ayon sa healthyhumanlife.com ito ay tatagal hanngang 1000 taon bago mabulok. Upang tayo ay makatulong, hinimok tayo na gumamit ng reusable water bottle. Sa pamamagitan nito makakaiwas tayo sa pagdami ng basura na mula sa boteng plastic na kadalasan ay pinag-uugatan ng sakit.
Tayong lahat ay ang pangunahing dahilan ng polusyon dahil dito tungkulin natin na ayusin at bigyang atensyon ang naturang problema. Tayo ngayon ay tinatawag at hinihimok na magbigay ng kahit maliit na kontribusyon upang masolusyonan ang problema sa plastic pollution . Ang pagkakaroon ng tamang edukasyon, plano, at aksyon sa isyung ito ay ang ating sandata sa pagkamit ng mas magandang at ligtas na mundo.
Group 2
Rea Cassandra Pring
Hans Angelo Vallota
Faith Pantoja Lumantas
Researchers:
Rai Jan Nicholai Corona
Hans Angelo Vallota
Rea Cassandra Pring
Picture and Video In Charge:
Faith Pantoja Lumantas
Writers:
Rai Jan Nicholai Corona
Article Editor:
Nimfa Anna Bahalla
Concept Creator:
Hans Angelo Vallota
Comments